Friday, February 12, 2010

For Drinkers Only

Kung ikaw ay gutom at gustong maglasing, ito ang nababagay sa'yo! BABALA: Eat moderately. Don't eat while driving and don't drive while eating.

BASAHING MABUTI


Basahing mabuti ang instruction at sundin ito ng tama. Kung hindi mo maintindihan, kumuha ka ng English-Tagalog Dictionary. Kung hindi parin kaya ng powers mo ang ocean deep na English, magpatulong na sa mga linguists o di kaya sa mga native speakers. LOL

CARE KO VALENTINES


Ilang oras na lang at Valentine's Day na naman. Para sa karamihan, napakaespesyal ang araw na ito kaya naman nagiging espesyal din ang presyo ng mga bilihin lalo na ang mga mapupulang rosas at mga chocolates. Puno din ngayon ang mga motel (sabi nila... wala akong alam niyan).

Para sa akin, wa ako care sa araw na ito kasi naman sa dinami-dami ng araw sa isang taon na pwede nating iparamdam ang ating pagmamahal bakit sa araw lang na ito natin pinagdidiriwang ang pagmamahalan at pag-iibigan. Pero ewan ko ba hindi ko naman maiwasan na ipagwalang bahala ang araw na ito. Sa dami ba naman ng nakapaligid sa'yo na mga tao na kanya-kanyang emote sa araw ng mga puso kuno eh di ka pa madadala? Kaya naman nakiki "HAPPY BALENTYNS" na rin ako.

Kunwari wa daw ako care pero sa totoo lang masayang-masaya ako noong makita ko ang estudyante ko kaninang umaga na papalapit sa akin na may dala-dalang mga rosas. Sa isip ko, napakathoughtful naman ng batang ito at naalala talaga ako. Ang hindi ko alam, fund raising project pala nila iyon at binebentahan ako. Todo expect pa naman ako kaya napa esep ako na hindi lahat ng mukhang grasya ay grasya talaga kasi ang iba disgrasya (sa bulsa). Saka mo lang mapapatunayan kapag nasa kamay mo na! Ganun din sa pag-ibig. Hindi mo mapapatunayan hangga't hindi mo nararamdaman at hindi sinasabi sa iyo.

Talagang di ako nakarecover kaya halos buong araw iniiwasan ko halos lahat ng mga estudyante na may dalang bulaklak (joke!).

Para sa lahat ng mga kaibigan at mga mahal ko sa buhay, HAPI BALENTAYNS na lang sa inyong lahat!

Friday, January 22, 2010

SAMPUNG TAONG PAG-IBIG


Isang women's party-list group ang may balak na mag propose sa kongreso ng isang panukala na magsasaad na dapat i renew ng mag-asawa ang kanilang kasal pagkalipas ng sampung taon o di kaya ito ay mapapawalang-bisa. Exciting din ang batas na ito kung maisasakatuparan. Parang pagkain lang na nag eexpire pagkalipas ng ilang araw, buwan o taon. Naisip ko tuloy kung ano na lang ang magiging hitsura ng wedding ring. Magkakaroon ito ng tatak kung anong petsa ito mag eexpire at dahil sa parang mabilis ang panahon ngayon, magigising ka nalang isang araw na expired na pala ang kasal mo.

Weird na talaga ang panahon ngayon. Sabi nila ito daw ang tinatawag na climate change at kasabay ng pagbabago ng panahon, nagbabago din ang pag-iisip ng mga tao. The only permanent thing in this world daw is change kaya kung wala ka nang nararamdaman sa asawa mo, magtiis ka muna at pwede mo yang palitan after ten years. After all, huwag mo lang masyadong isipin at malalaman mo na lang na ang ten years ay nothing!

Husband sa Nagbubungangang Wife: Sige pagpatuloy mo lang yan. Anyway, tapos na rin naman tayo in ten years. Isipin mo ten years lang!
Labing-labing Scene: Babe, ten years na pala tayo next year. Ay oo nga pala, mag eexpire na!

Ano Daw?

Kinagigiliwan ko ang panonood ng Holywood Movies minsan kahit na hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Tumatango ako kunwari alam na alam ko kung ano ang sinasabi ng mga bida (at mga kontrabida) sa pelikula kahit na ang totoo niyan ay parang magkakanosebleed na ang tenga ko. Minsan, ibang wika na pala ang sinasabi ng mga nasa pelikula eh hindi ko parin alam. Ang tanging alam ko, hindi ko parin maintindihan.

Salamat at akoy marunong magbasa kaya natutulongan din ako ng mga subtitles. Pero minsan ang hirap din palang intindihin ng mga subtitles lalo na kung sobrang poetic ang gumawa nito. Mas lalong mahirap kapag Made in China ang DVD na pinapanood mo kasi parang mas poetic ang mga Chinese. Pero alam niyo naman na magaling akong teacher kaya sa sobrang galing ko nalaman ko ang pinagsasabi ni Edward at Bella. Ang lalim... I can't swim pa naman.

Alam daw niya ang gusto niya... Yun ba yun?

Sabi niya, hindi daw siya nagpaalam.

Bakit niya ako tinutulongan kung galit naman siya?

Hahanapin din ako ng ating tadhana... (Jacob po ito)