Sa picture taking, hindi mawawala ang group pictures at pagkatapos kanya-kanyang upload ng mga pictures sabay tag sa kung sino ang mga nandun. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang dami palang pictures sa aking camera at bigla akong naging in-demand sa training class. Tinatanong ng bawat isa kung inupload ko na ba raw ang mga pictures sa facebook profile ko. Sabi ko, "Oo nag-upload na ako at paki-add niyo na lang ako kung gusto niyo." Sa sumunod na araw, ang daming friend requests. Kahit yung mga hindi ko pa friends nag request na i-add -- para lang makita ang mga pagmumukha nila sa litrato. Sa sobrang ka friendly-han ko, inaccept ko naman.
Akala ko marami ang masisiyahan sa makikita nila sa mga pictures na inupload ko pero iba ang nangyari. Mga sumbat ang aking narinig. Bakit daw hindi ko inupload ang mga pictures na nandun sila at pawang mga solo pictures ko daw ang inupload ko. Buong pagtataray na sagot ko, "Eh alangan naman mga pagmumukha niyo makikita niyo eh profile ko kaya 'yun. Kung gusto niyo makikita mga faces niyo, all you need to do is go to your own facebook profile." Ang dami ko nang natanggap na comment na napaka narcissist ko daw at lahat ng pictures sa facebook ko ay ako lang. Naiintindihan ko man, hindi ko parin magets kung bakit kailangan kong maglagay ng ibang mukha sa FACEBOOK KO.
Iyon lang chika ko today... Sa susunod naman...