Friday, November 4, 2011

The Unkabogable Praybeyt Benjamin


Sa wakas napanood ko rin ang Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ng ating nag-iisang “Pambansang Kabayo” na si Vice Ganda na ayon sa kanya hindi niya nakuha ang apelyido niya sa kung saan-saan lang, sadyang ipinagkaloob ito sa kanya. Kung ganda nga naman ang tawag niya sa ipinagkaloob sa kanya, di bale na lang. Thank you at okay na ako sa looks ko.

Nakakatawa ang “Praybeyt Benjamin” hindi lang dahil sadyang nakakatawa ang hitsura ni Vice kundi nakakatawa din ang mga banat niya. May mga eksena ding nakakakilig para sa mga bading at sa mga asal bading. May nakatabi nga akong magkasintahan na parang mas kinilig pa ang lalaki sa eksena nina Vice at Derek. Gusto ko nang kalabitin yung babae para lang matauhan siya na hindi basta-basta ang karibal niya  – ang hirap kaya para sa isang babae na magkaroon ng karibal na lalaki. Ano man ang gawin mo, wala kang laban kasi hindi ka magiging gwapo sa paningin ng boyfriend mo. Sa mga babae, mag-ingat na lang dahil sabi nga, “Noon, kung maghahanap ka ng lalaki, piliin mo yung gwapo ngunit ngayon, kung manghahanap ka ng gwapo, piliin mo yung lalaki.” Pero sa panahon ngayon, ang hirap nang makahanap ng gwapo kasi kadalasan sa kanila, may boyfriend na.

May  eksena pa doon ng panunukso sa kasarian ng mga bading. Iyan ang di ko maisip kung paano nagsimula. Hindi ko maintindihan kung bakit sa ating lipunang kinagagalawan, tinutukso ang mga bading. Naalala ko pa noon nung kabataan ko na kapag may nakitang bading agad sinisigawan, “Bading! Bading!”. Naisip ko, kung sila din kaya ang sigawan ng “Bata! Bata!” magugustuhan kaya nila?

Ang mga bading daw ay salot o malas sa lipunan ayon sa isang linya sa pelikula. Napakamakapangyarihan naman ng mga bading – nakakasanhi ng bagyo, lindol, tagtuyot at iba pang mga sakuna na dulot ng kalikasan.

Kung napansin niyo, pawang kabadingan ang kwento ko – eh may iba pa ba? Bading na bading ang Praybeyt Benjamin eh. Kaya mga beke, watch na! Bawalush and mga pirated na mga eklavush ha.

"Aanhin pa ang damo kung wala na si Vice Ganda."

Krispy Kreme, ano’ng meron ka?


Kakabukas lang ng Krispy Kreme dito sa Cebu at katulad ng inaasahan, pinagpipilahan kasi bago. Kakabukas pa lang sa umaga, parang nasa DFA na ang pila at may mga fixers din para sa mga taong ayaw makipila.  Yung iba, mga yaya nila ang pinapapila at binibigyan lang ng lista ng kung anong klaseng doughnut ang bibilhin. Gusto din naman ni yaya ang pumila kasi at least rest muna sa kakulitan ni Jun-Jun at sa katarayan ni ate.

Sa kahabaan ng pila sa Krispy Kreme, napansin ko na iba’t ibang klase ang mga tao na pumipila – may mga sosyal at may mga pasosyal na kagaya ko. May mga tao rin na frustrated lang sa kanilang American dream na dahil sa ilang beses nang na deny ang visa, sa Pilipinas na lang nakikipila sa Krispy Kreme. At least, they get a bit of American taste. May mga tao din na basta na lang nakikipila kahit na hindi alam kung ano ang binibenta sa loob. Gusto pa atang mag order ng extra rice yung iba at meron ding parang nag-iisip kung anong ulam ang bibilhin pagdating sa counter kasi lunch time na at gutom na sila. May iba na gusto lang makisawsaw at makipila. Alam niyo naman, may kaugalian ang ibang pinoy na kung saan ang sikat, doon. Parang eleksyon lang. Kung sino ang sikat, siya ang iboboto. Hindi na bale kung kurakot o walang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno ang mahalaga ay sikat.

Minsan, napapila ako kasabay ang isa sa mga kasamahan ko sa work na kung titingnan ay animo’y empleyado ng Krispy Kreme noon.  Naitanong ko tuloy kung dati ba siyang nag work sa Krispy Kreme at sabi niya never in his entire life daw at naitanong niya kung bakit ko nabangit. Kasi naman sa haba ng kanyang baba, okay pambutas ng doughnuts.  Nag follow-up question pa ako kung nasubokan niyang mag work sa isang five-star hotel noon kasi okay din gamitin ang baba niya sa pagtutupi ng mga comforters.  At last hirit ko kung nakapagwork siya sa isang ice cream company dahil okay din ang baba niya pambutas ng mga ice cream cones. Pero love ko yung workmate na yun ha – sadyang napagkatuwaan lang.

Makaraan ang ilang minuto o oras, natikaman ko ulit ang tatlong piraso ng doughnut at sabay nawala ang aking pag-aasam. At least ngayon, tatlo na. Noon kasi isang maliit na piraso lang ang aking natitikman na pasalubong pa sa akin ng mga friends ko na galing Manila. 

"Kay haba-haba man ng prosesyon, sa Krispy Kreme din ang tuloy."

Pick-up lines ni Senador Miriam-Defensor Santiago

Dati nang nakakatawa si Senador Miriam dahil sa kanyang mga banat sa senado pero naiiba ang mga banat ni Senador ngayon. Siya ay bumabanat sa kanyang mga pick-up lines. Ito ang iilan sa kanyang mga pick-up lines:

"Sana naka-off ang ilaw para tayo na lang mag-on."

"Kung magkakaroon ka ng isang planeta, gusto ko ikaw ang axis nito para sa iyo lang iikot ang mundo ko."

"Sana Facebook ka na lang para pwede kitang e-like."

"Ibenta mo na ang bahay mo total nandito ka na nakatira sa puso ko."




Thursday, May 19, 2011

ANG BAGO KONG TRABAHO AT ANG FACEBOOK KO!

Bagong work! Ano pa ba ang mai-expect mo eh mga bagong workmates at mga bagong friends syempre. Habang nasa training, walang humpay ang picture taking na akala mo nasa isang scenic spot lang na pose ng pose kahit saang corner ng training room at sa iba-ibang lugar sa company. May iba, proud na proud na nakapasok sa company kaya gustong magpa picture na company logo ang background. Ngunit, sa kasamaang palad, may babalang hatid ang aming trainer -- bawal daw i post sa facebook ang naturang mga litrato lalo na't may nakikitang logo. Isipin na natin kung ano ang gusto nating isipin basta ang naiisip ko, gaano ka man ka proud sa iyong kompanya, hindi sila ganun ka proud sa iyo na ayaw nilang malaman ng ibang tao (lalo na ng mga friends mo sa facebook) na na hire ka nila. hehehe

Sa picture taking, hindi mawawala ang group pictures at pagkatapos kanya-kanyang upload ng mga pictures sabay tag sa kung sino ang mga nandun. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang dami palang pictures sa aking camera at bigla akong naging in-demand sa training class. Tinatanong ng bawat isa kung inupload ko na ba raw ang mga pictures sa facebook profile ko. Sabi ko, "Oo nag-upload na ako at paki-add niyo na lang ako kung gusto niyo." Sa sumunod na araw, ang daming friend requests. Kahit yung mga hindi ko pa friends nag request na i-add -- para lang makita ang mga pagmumukha nila sa litrato. Sa sobrang ka friendly-han ko, inaccept ko naman. 

Akala ko marami ang masisiyahan sa makikita nila sa mga pictures na inupload ko pero iba ang nangyari. Mga sumbat ang aking narinig. Bakit daw hindi ko inupload ang mga pictures na nandun sila at pawang mga solo pictures ko daw ang inupload ko. Buong pagtataray na sagot ko, "Eh alangan naman mga pagmumukha niyo makikita niyo eh profile ko kaya 'yun. Kung gusto niyo makikita mga faces niyo, all you need to do is go to your own facebook profile." Ang dami ko nang natanggap na comment na napaka narcissist ko daw at lahat ng pictures sa facebook ko ay ako lang.  Naiintindihan ko man, hindi ko parin magets kung bakit kailangan kong maglagay ng ibang mukha sa FACEBOOK KO. 

Iyon lang chika ko today... Sa susunod naman...

Friday, February 12, 2010

For Drinkers Only

Kung ikaw ay gutom at gustong maglasing, ito ang nababagay sa'yo! BABALA: Eat moderately. Don't eat while driving and don't drive while eating.

BASAHING MABUTI


Basahing mabuti ang instruction at sundin ito ng tama. Kung hindi mo maintindihan, kumuha ka ng English-Tagalog Dictionary. Kung hindi parin kaya ng powers mo ang ocean deep na English, magpatulong na sa mga linguists o di kaya sa mga native speakers. LOL

CARE KO VALENTINES


Ilang oras na lang at Valentine's Day na naman. Para sa karamihan, napakaespesyal ang araw na ito kaya naman nagiging espesyal din ang presyo ng mga bilihin lalo na ang mga mapupulang rosas at mga chocolates. Puno din ngayon ang mga motel (sabi nila... wala akong alam niyan).

Para sa akin, wa ako care sa araw na ito kasi naman sa dinami-dami ng araw sa isang taon na pwede nating iparamdam ang ating pagmamahal bakit sa araw lang na ito natin pinagdidiriwang ang pagmamahalan at pag-iibigan. Pero ewan ko ba hindi ko naman maiwasan na ipagwalang bahala ang araw na ito. Sa dami ba naman ng nakapaligid sa'yo na mga tao na kanya-kanyang emote sa araw ng mga puso kuno eh di ka pa madadala? Kaya naman nakiki "HAPPY BALENTYNS" na rin ako.

Kunwari wa daw ako care pero sa totoo lang masayang-masaya ako noong makita ko ang estudyante ko kaninang umaga na papalapit sa akin na may dala-dalang mga rosas. Sa isip ko, napakathoughtful naman ng batang ito at naalala talaga ako. Ang hindi ko alam, fund raising project pala nila iyon at binebentahan ako. Todo expect pa naman ako kaya napa esep ako na hindi lahat ng mukhang grasya ay grasya talaga kasi ang iba disgrasya (sa bulsa). Saka mo lang mapapatunayan kapag nasa kamay mo na! Ganun din sa pag-ibig. Hindi mo mapapatunayan hangga't hindi mo nararamdaman at hindi sinasabi sa iyo.

Talagang di ako nakarecover kaya halos buong araw iniiwasan ko halos lahat ng mga estudyante na may dalang bulaklak (joke!).

Para sa lahat ng mga kaibigan at mga mahal ko sa buhay, HAPI BALENTAYNS na lang sa inyong lahat!