Kakabukas lang ng Krispy Kreme dito sa Cebu at katulad ng
inaasahan, pinagpipilahan kasi bago. Kakabukas pa lang sa umaga, parang nasa
DFA na ang pila at may mga fixers din para sa mga taong ayaw makipila. Yung iba, mga yaya nila ang pinapapila at
binibigyan lang ng lista ng kung anong klaseng doughnut ang bibilhin. Gusto din
naman ni yaya ang pumila kasi at least rest muna sa kakulitan ni Jun-Jun at sa
katarayan ni ate.
Minsan, napapila ako kasabay ang isa sa mga kasamahan ko
sa work na kung titingnan ay animo’y empleyado ng Krispy Kreme noon. Naitanong ko tuloy kung dati ba siyang nag
work sa Krispy Kreme at sabi niya never in his entire life daw at naitanong
niya kung bakit ko nabangit. Kasi naman sa haba ng kanyang baba, okay pambutas ng
doughnuts. Nag follow-up question pa ako
kung nasubokan niyang mag work sa isang five-star hotel noon kasi okay din
gamitin ang baba niya sa pagtutupi ng mga comforters.
At last hirit ko kung nakapagwork siya sa isang ice cream company dahil
okay din ang baba niya pambutas ng mga ice cream cones. Pero love ko yung
workmate na yun ha – sadyang napagkatuwaan lang.
Makaraan ang ilang minuto o oras, natikaman ko ulit ang tatlong piraso ng doughnut at sabay nawala ang aking pag-aasam. At least ngayon, tatlo na. Noon kasi isang
maliit na piraso lang ang aking natitikman na pasalubong pa sa akin ng mga
friends ko na galing Manila.
"Kay haba-haba man ng prosesyon, sa Krispy Kreme din ang tuloy."
No comments:
Post a Comment